Papag

Sinusulit bawat paghinga.
Sinusulit bawat paghinga.
kahit 'di sigurado sa kalalabasan.
Rehas na bakal,
kailan nga ba magbubukas?
Bulong ng mga kaluluwang nagpupumiglas.
Ngunit tila 'di parin tama at wasto ang panahon,kaya di tayo magtagpo.
Sana mahanap mo rin ako
at sana matagpuan rin kita,
aking kalaro.
At sa sandaling ito, mas nakintal sa aking isipan ang himagsik ni Balagtas noong isinulat niya ang Florante at Laura, himagsik laban sa malupit na pamahalaan at maling kaugalian. Ngunit mas nakakapanindig balahibo dahil 'di ibang lahi ang sumusugat at dumudurog sa Inang Bayan. Nawa 'di natin makalimutan ang mga kuwentong nailathala noon pa man. Kuwentong pinaglaban ng ating mga bayani kahit buhay ay kapalit. Mga sanaysay ng mga manunulat kahit sa loob ng piiitan pinagpilitan mailathala upang maihatid ang katotohanan.
Cold bodies scattered around, stained blood, abolished houses and buildings, burned vehicles, traumatized children, destitute women, fainted men, and wounded soldiers. Mumbled cries of people in the beat of loud bombs echoed throughout the whole city. …