dalawampu’t-apat

'}}
'di ko mawari na darating ang panahong ito,
panahon ng pananatili at pagtuklas,
bagong yugto ang tatahakin
aaminin kong may halong kaba 
dahil 'di sigurado sa pagdating ng bukas.

heto ako nagtatanong muli sa Kanyang lilim,
inaalam Kanyang munting lihim
aking panulat tila walang tinta, 
mga salitang tila 'di magtugma,
pili't hinahanap indayog at musika sa aking tula
nguni't tila nakaidlip aking diwa.
 
Saan nga ba patungo piyesang ito?
aking mga pangarap na 'di na mahagilap
tulad ng paboritong bituin sa alapaap.
Nais lumisan at ihakbang aking mga paa
tahikin ang dulo ng karagatan,
hanggang mapunan ang mga tanong sa dibdib.


ito ang huling araw ng aking ika-dalawpu't apat  na taon sa mundong ibabaw,
bukas ay simula ng bagong kabanata ng istoryang Siya ang sumulat,
bakit nga ba mangagamba at magdududa sa Kanya na nariyan pa sa simula,
mga pangako Niyang taglay galak, pag-asa at kapayapaan.

Sa Kanya na makakagawa ng lahat. 



Published by

A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about "kuliglig sa kanyang dibdib."