Papag

'}}
Hawak ang kanyang itak sa ibabaw ng papag,
masisilayan mo ang mga matang walang bagabag.
Kahit ilang dekada ng 'di makatayo,
at walang kakayahang lumakad at lumayo.
Mistulang walang poot at ligalig sa kanyang dibdib.

Naninirahan kasama ang mga niyog sa isang liblib.
Iniwan man ng karamihan, 'di pa rin natinag sa gitna ng dilim.
'Di dinalaw ng takot at pangamba sa pag-iisa,
kahit lumubog ang araw at ang ulap maging makulimlim.
Patuloy na nagtiwala kabutihan ay darating.

Tulungan mo akong maging katulad niya,
O kay sarap mabuhay na puno ng pasasalamat
walang galit at poot sa gitna ng pighati,
walang halong inggit kahit nasa laylayan at nahuhuli,
at walang anumang hinaing at daing sa kagipitan.

Sinusulit bawat paghinga.


inspired from KMJS's documentary




Published by

A lady who has been pondering her hope into Christ, inhaling His grace, and enjoying the beauty of life. Writing about life, asking God about "kuliglig sa kanyang dibdib."

PREVIOUSNEXT